Mga baril, bala at granada nakumpiska | NDF CONSULTANT AT MISIS, ARESTADO
DINAKIP ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group si Rey Claro Casambre, isang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ang misis nitong si Patricia sa Cavite.
Ani CIDG Director Chief/Supt. Amador Corpus, isinilbi kay Casambre ang mga warrant of arrest para sa mga kasong murder at attempted murder sa Davao Oriental.
Dagdag pa ni Corpus, nakumpiskahan ng mga baril, bala at granada ang mag-asawa nang sila ay maaresto habang sakay ng kanilang sasakyan.
Ang mga ito aniya’y gagamitin bilang ebidensiya para sa isasampang mga bagong kaso laban kay Casambre at maging sa kanyang maybahay.
Dinala sa CIDG Headquarters sa Camp Crame ang mag-asawang Casambre.
Si Casambre ay nagsisilbi rin umano bilang executive director ng Philippine Peace Center.
Noong nakaraang buwan, inaresto rin ang isa pang consultant ng NDFP na si Vic Ladlad kasama rin ang misis nito.





Comments