Kaya walang kissing scene… COCO AT MAINE, 'DI TALO!

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KAKAIBA naman ang natuklasan ni Maine Mendoza sa kanyang partner na si Coco Martin sa pelikulang Jack Em Popoy: The PulisCredibles, na official entry para sa darating na Metro Manila Film Festival 2018.
Dalawang linggo bago nagsimula ang shooting ng kanilang pelikula, napag-alaman ni Maine na magkamag-anak pala sila ng bida sa Ang Probinsyano.
Ikinuwento ni Maine na nalaman niya ito nang magkaroon ng reunion ang kanilang pamilya sa Bulacan at makita ang kanilang family tree.
Kinumpirma naman ni Coco ang pahayag ni Maine dahil tinanong niya raw ang kanyang lola tungkol sa mga kamag-anak nila sa Bulacan.
Dahil sa pagiging magkamag-anak, walang naganap na kissing scene sa dalawa.





Comments