Kani-kanyang post sa social media… MGA ANAK, NAGSALITA NA SA PAGLAYA NI BONG
- Nitz Miralles
- Dec 8, 2018
- 1 min read

HALOS pare-pareho ang message ng magkakapatid na sina Bryan, Luigi at Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa paglaya ng ama nilang si Bong Revilla, Jr. kahapon.
Nag-post si Jolo ng picture nila ni Bong at may caption itong: “Uuwi na kami ni Papa! Kumpleto na ulit ang pamilya namin sa aming bahay. Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paglaya. The truth will always prevail! #TuloyAngLaban #BongRevilla2019.”
Ang maiksing message ni Bryan ay: “Thank you Lord!!! We are finally going home!!” habang ang message ni Luigi ay: “GOD IS GOOD” at may picture na nakayakap si Bong sa kanyang lawyer na kuha sa Sandiganbayan.
Magandang Christmas gift ang paglaya ni Bong at matutupad na ang wish ng kanyang pamilya na buo sila ngayong Pasko!





Comments