Ikatlong drug laboratory ni-raid
- Alvin Murcia
- Dec 8, 2018
- 1 min read
MULING nakarekober ang pinagsanib na puwersa ng pulisya ng tinatayang 35 kilong kemikal na puwedeng gumawa ng kilu-kilong shabu sa isang bahay sa Pasig City.
Ayon sa pulisya, ang raid sa Bgy. Kapitolyo ay follow-up operation kaugnay ng pagkakahuli sa isang Koreanong chemist kamakailan sa Ortigas at ang pag-raid naman sa laboratoryo sa San Juan City kung saan nakuha rin ang mga kemikal.
Narekober ng mga pulis ang 10 plastic bags at dalawang malalaking plastic bags na may timbang na 13 hanggang 15 kilos ng chemical precursor at paper canister na naglalaman ng tinatayang 20 kilos ng kemikal.
Kinumpiska naman ng mga pulis ang baril ng security guard ng bahay ngunit, ang target na tao ay hindi nila inabutan.





Comments