top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ginang sugatan sa bomba

Pabs Hernandez III
Dec 8, 2018
1 min read

COTABATO CITY—Isang ginang ang sugatan nang may sumabog na bomba sa loob ng kanilang bakuran, kamakalawa sa Bgy. Kalanganan sa lungsod na ito.

Nakilala ang biktima na si Noriguig Jamal, residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nagwawalis sa kanilang bakuran si Jamal nang biglang may sumabog sa kinatatayuan ng biktima.

Ginagamot na sa ospital si Jamal, samantalang, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente ng pagsabog sa naturang lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page