2 eroplano nagsalpukan, 6 nawawala
NAGKABANGGAAN ang dalawang American military aircraft sa karagatan na sakop ng Japan.
Napag-alaman ng awtoridad na anim na U.S Marines ang nawawala matapos ang banggaan.
Nangyari ang insidente alas-2:00 ng madaling-araw habang kate-take-off pa lamang ng dalawang aircrafts sa Marine Corps Air Station Iwakuni nang magkabanggaan ang mga ito.
Sakay ng C-130 ang limang servicemen habang dalawang sundalo naman ang sakay ng F-18.
Patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawalang biktima habang inaalam pa ng pulisya ang naging sanhi ng banggaan.





Comments