top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sey ng experts... SWIMMING, EPEKTIB NA PANLABAN SA ADHD!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2018
1 min read

ALAM ba ninyong ang pagsu-swimming ay hindi lamang pagsasaya o pag-eehersisyo? Ayon sa mga eksperto, ito ay mara­ming kakaibang epekto sa bu­hay ng tao. Kaya kung gustong mag-swim­ming ng inyong family, don’t hesitate na pumayag lalo na kung minsan n’yo lang naman itong nagagawa, makapagba-bonding na kayo, may health benefits pa ito.

Sino ba naman ang ayaw mag-swimming? Mapabata o matanda, game na game kapag swimming ang pinag-uusapan kung saan ‘yung iba pa nga tumitira sa lugar na may swimming pool tulad ng mga condominium at subdivision.

Pero, knows ba ninyong bukod umano na isa itong pa­­raan ng pag-eehersisyo, eh, marami pa itong naidudu­lot na ngayon n’yo lang ma­lala­man?

Ayon sa pag-aaral, ang pagsu-swimming ay na­kape-prevent sa pagkaka­roon ng Attention Deficit Hy­peractivity Disorder (AD­HD) dahil nakatutulong ito upang makontrol natin ang ating paggalaw at pag-iisip.

Gayunman, para sa mga olats sa school diyan, lalo na sa mathematics, solusyon din umano ang pagsu-swim­ming dahil nai-improve at nai-increase nito ang aktibi­dad sa ating bilateral prefron­tal cortex kung saan tuma­taas ang ating IQ at nagiging mas maganda ang perfor­mance natin sa mga pag­susulit.

Bukod pa rito, ang pag­langoy ay nakai-improve ng cognitive flexi­bi­lity, partiku­ar na ang abili­dad na­tin sa pag­papa­lit-palit ng speed at ac­curacy.

Pero, palagi nating tatan­da­an na sa pagsu-swimming, ban­­tayan ang mga kasama lalo na ang mga bata dahil hindi na­tin alam kung may papara­ting na dis­grasya.

Oh, ayan, languy-la­ngoy din ‘pag may time, dehins na­man kailangan sa malayo at magandang resort pa pu­munta, ang importane mali­nis ‘yung swimming pool.

Kaya kahit dehins sum­mer ngayon, tara na at luma­ngoy! He-he-he!

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page