top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P2.4-B. isiningit sa 2019 National Budget | PALASYO KAY GMA: MAGPALIWANAG KA

Mylene Alfonso
Dec 7, 2018
1 min read

NANINIWALA ang Malacañang na dapat magpaliwanag si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa isiningit umano na alokasyong P2.4 bilyong halaga ng proyekto para sa kanyang distrito kasunod ng huling minutong realignment ng 2019 proposed National Budget.

Una nang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na P2.4 billion ‘pork barrel fund’ ang naisingit umano sa pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala namang nakikitang mali sa nasabing alokasyon sa naturang mga distrito kung kailangan naman talaga ang naturang pondo.

Hindi aniya sa Malacañang dapat magpaliwanag ang lider ng Kamara kundi sa mga mambabatas tulad ni Lacson. Aniya, kailangan din magbigay ng paliwanag dito si Arroyo kasunod ng mga reaksiyon mula sa iba’t ibang sektor.

Idinagdag pa ni Panelo na sakali mang may makitang hindi tama sa ginawang realignment ng 2019 budget, may kapangyarihan namang i-veto ito ng Punong Ehekutibo.

Bukod kay Arroyo, P1.9 bilyon naman ang nakitang ‘budget insertion’ umano para sa mga proyekto sa distrito ni House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page