top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nadadala na raw ng labs mo, Sarah… RICHARD, AMINADONG HAPING-HAPI KASAMA ANG MGA BAKLA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2018
2 min read

MEMORABLE para kay Richard Gutierrez ang isang eksena sa Fantastica na nakikita natin sa trailer kung saan ay sinasabi niya kay Vice Ganda ang “mahal” at pagkatapos ay inilabas ang kanyang dila.

Ayon kay Chard, talagang hirap na hirap siyang gawin ito na understandable naman dahil drama actor siya at hindi sanay sa mga ganitong pagpapatawa.

“Talagang pinilit ko ‘yung sarili ko na magawa ko ‘yung eksenang ‘yun nang tama. Very challenging ang eksenang ‘yun para sa akin. At nagawa ko. After ko gawin, hiyang-hiya ako,” natatawang sabi ni Chard.

Ayon naman kay Vice ay naiintin­di­han niya na naiilang ang mga kasama niyang dramatic actors na sina Chard at Dingdong Dantes sa mga physical comedy scenes da­hil hindi nga sanay ang mga ito.

“‘Yung kailangang ilabas ang dila, tapos paglaruan, na­hihiya siyang (Chard) gawin. Pero pag-cut, nagtatalon siya, diring-diri siya sa ginawa niya,” kuwento ni Vice.

Ganu’n din daw si Dong, pero natutuwa naman siya dahil kahit reluctant ang mga ito na gawin ang physical comedy ay gina­ga­wa pa rin naman at parehong lumaban sa pagpapatawa.

“Bigay din, bigay din talaga,” sabi ni Vice.

Ani Richard, memorable rin sa kanya ang mga eksena nila ni Dong especially ‘yung mga first few scenes nila dahil nga sa tinagal-tagal nilang magkasama noon sa isang network, isang eksena lang ang nagawa nila together.

“At ngayon pa kami nagkatrabaho sa isang comedy, so siyempre, ‘yung mga eksena namin doon ni Dong na comedy, very memorable sa akin,” sey ni Chard.

Pero dahil nga sa set ay laging nagpapatawa sina Vice Ganda pati na ang mga kasama ring komedyante na sina Chokoleit, Lassy Marquez and MC Calaquian, tawa raw sila nang tawa at nadadala nila hanggang sa take na mismo.

Showing na sa Dec. 25 ang Fantastica bilang isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2018 mula sa direksiyon ni Barry Gonzalez under Star Cinema.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page