Kagawad niratrat ng riding-in-tandem, utas
- Levi Gonzales
- Dec 7, 2018
- 1 min read
DEDBOL ang isang kagawad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas.
Pasado alas-7:00 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Danny Maldonado, 56, may asawa, residente sa nasabing lugar at papasok sa kanyang trabaho.
Pagliko sa daan, agad siyang binuntutan saka pinagbabaril ng mga suspek bago nagsitakas sa direksiyon ng Padre Garcia.
Dead-on-the-spot ang biktima sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.





Comments