Bigtime shabu supplier sa Olongapo, tiklo
ARESTADO ang itinuturing na no. 1 illegal drug personality sa inilatag na anti-drug bust operation sa Olongapo City.
Matagal na panahon ang iginugol ng Intelligence Branch at City Drug Enforcement Unit ng Olongapo City Police Office para mahuli ang 56-anyos na bigtime shabu supplier na si Florentino Miclat alyas Jun, residente ng San Nicolas, Castillejos, Zambales.
Natimbog din si Ronnie Cubilla, 40, ng Taytay, Rizal.
Ayon kay Olongapo City Police Office Director Senior Supt. Benjamin de Leon Sembrano, isinagawa ang sting operation laban sa mga suspek sa Bgy. West Bajac Bajac, Miyerkules ng hapon.
Pinagbentahan umano ni Miclat ang poseur-buyer na DEU agent ng nasa 5 gramo ng high grade shabu na nagkakahalagang P7,000 bago ang pag-aresto sa kanila.
Nakasamsam din mula sa sasakyan nina Miclat ang nasa 23 pirasong plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 400 gramo at may street value na P560,000.





Comments