Bad influence raw sa kabataan… PBB OTSO, PURO KALANDIAN AT KAIMORALAN, IPINASASARA
- BULGAR

- Dec 7, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KASISIMULA pa lang ng reality show na Pinoy Big Brother Otso nitong November 10, ngunit isinusulong na kaagad ng ilang organisasyon na ipatigil ito dahil sa pagpapakita ng maling pag-uugali sa mga kabataan.
Naging usap-usapan ito dahil ang isang housemate na si Karina Bautista (16) na may 4 years BF sa labas ng Bahay ni Kuya ay umamin na nagkakagusto at nai-in love kaagad sa housemate na si Aljon Mendoza (17) kahit na tatlong linggo pa lang silang magkasama sa loob ng bahay.
Nagsalita ang presidente ng LEAP o League of Extraordinary Admired Pilipino na si Alvin Castro ng, “Kung hindi tungkol sa kabit, puro kalandian ang ipinapalabas sa mga television networks natin ngayon.”
Dagdag pa niya, “We need to reinvent our television programs. Bakit hindi tayo magpalabas ng mga programang makakapag-promote ng good values sa mga kabataan? Tungkol sa agham o negosyo?”
Kasunod nito, hindi rin napigilan ng mga netizens na mag-comment na kinukunsinti raw ng ABS-CBN at mga officials ng PBB Otso ang mga ganitong bagay para tumaas ang ratings ng show.
May mga nag-comment din na hindi tama ang ganitong tema ng palabas dahil ito ay ginagaya ng mga kabataang nakakapanood ng show dahil maiisip nila na ito ay tamang gawin.
Dapat daw ay magpasok ang PBB Otso ng mga kabataan na magiging magandang ehemplo sa iba. At kung ganito lang daw ang mapapanood ay mas mabuti nang ipasara na lang ang show.





Comments