top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

13 patay sa killer lambanog

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2018
1 min read

UMABOT na sa 13 ang naiulat na namatay makaraang makainom ng lambanog sa nakalipas na dalawang linggo kung saan may tig-apat sa Quezon City at sa Sta. Rosa, habang lima naman sa Calamba.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng City Health Office ng Calamba ang pansamantalang pagpapahinto sa pagbebenta ng lambanog sa kanilang lugar.

Kinumpiska na rin ng mga tauhan ng Calamba City PNP ang brand ng lambanog na siyang ininom ng mga biktima.

Nagtataglay umano ng isang uri ng nakalalasong substance ang sample ng lambanog na nakuha ng Food and Drugs Administration (FDA) sa ilang mga lugar sa bansa.

Ayon kay FDA Director-General Nela Charade Puno, nakitaan ng mataas na percentage ng methanol ang mga sample ng lambanog na galing sa Magalang, Pampanga; Luisiana, Laguna at San Jose, Antipolo City.

Ginagamit ang methanol bilang raw material sa paggawa ng acetic acid at formaldehyde, na siya namang ginagamit sa pag-manufacture ng adhesive, plywood subfloor at solvent.

Sangkap din ang nasabing kemikal sa paggawa ng fuel para sa mga sasakyan. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page