SUPRA GM SO, RUNNER-UP ; VEGA, HARI SA 6TH DALIAO CHESS

NAKUHA ni Pinoy Grandmaster Wesley So ang runner-up honors sa pagsasara ng 2018 World Speed Chess Championship upang mairehistro ang isa sa pinakamakinang niyang performance sa kasaysayan ng kakaibang paligsahan sa mabilisang chess na ginaganap “in-line”. Sumampa sa finals ang tubong-Cavite na chesser pagkatapos niyang tagpasin ang kampanya nina GM Jan Krzyzsztof Duda ng Poland (semis, 20.0-7.0), GM Vidit Gujarathi ng India (quarterfinals, 16.5 - 10.5) at Chinese GM Wei Yi (huling 16 sa iskor na 18.5-9.5).
Pero pagdating sa finals, nakaharap niya si topseed GM Hikaru Nakamura mula sa United States Chess Federation. Dito, tumiklop si So kontra sa world rapid chess no. 2 at world blitz no.3.
Nauna rito, sumibad si Nakamura sa Championship round nang daigin niya sa semifinals si 2017 FIDE World Cup king Levon Aronian ng Armenia (17.0-12.0); French GM Maxime Vachier Lagrave (21.5-13.5) noong quarterfinals at Hou Yifan ng China (27.5-2.5). Samantala, ibinasura ni 15th seed James Ian Vega ang anunsiyo ng mga eksperto at itinakas ang korona ng 6th Daliao Open U14 Age Group Chess Tournament sa Tirol, Davao City.





Comments