top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sigaw ng jeepney drivers at operators: Ibinayad sa fare matrix, ibalik!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2018
  • 1 min read

KASABAY ng non-stop na rollback sa presyo ng petrolyo, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagbabalik sa P9 pamasahe sa jeep mula sa itinaas na P10.

Gayunman, humihirit ang mga jeepney driver at operator na ibalik din ang siningil na taripa o fare matrix sa kanila noong magtaas sila ng pamasahe.

Pinilahan at nagkandahirap umano ang mga driver at operator para lamang makakuha ng fare matrix.

Matatandaang, aabot sa P570 ang singil upang makakuha ng fare matrix para makapagsimulang maningil ng dagdag-pasahe.

Ang masaklap para sa kanilang panig, binawi rin ito nang wala pang isang buwan.

Giit pa ng mga driver at operator, hindi sila nasabihan at kung papan­sinin, kumita pa raw ang ahensiya dahil sa fare matrix, habang ang mga driver at operator ay halos walang kita sa rollback sa pamasahe.

Nakikita natin ang punto ng grupo kaya dapat itong harapin ng gobyerno at magbigay ng paliwanag. Ano nga ba ang mangyayari sa mahigit limandaang pisong ibinayad?

Paano sa mga susunod na pagkakataon na muli nilang aprubahan ang pagbabago sa pamasahe, kailangan bang magbayad ulit para sa taripa?

At tulad ng mga nakaraan na nating tanong, ano ba talaga ang batayan sa pagtataas o pagbababa ng singil sa pamasahe?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page