Kung maituturing na published work ang naka-public na akda sa social media

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung maituturing bang published ang gawa kung ito ay inilagay lamang ng may-akda sa social media at maaaring makita ng publiko kung nais nila? — Majie
Dear Majie,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 171.7 ng Republic Act (R.A.) No. 10372 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines kung saan nakasaad na:
“171.7. ‘Published works’ means works, which, with the consent of the authors, are made available to the public by wire or wireless means in such a way that members of the public may access these works from a place and time individually chosen by them: provided, that availability of such copies has been such, as to satisfy the reasonable requirement of the public, having regard to the nature of the work.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, ang akda na inilagay sa social media at ginawang “available” sa publiko ay itinuturing na “published work” kung ang nasabing akda ay maaari nilang makita sa lugar o panahon na kanilang piliin.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments