top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Iskul nilooban, sekyu tinarakan

Jeff Tumbado
Dec 6, 2018
1 min read

SUGATAN ang 32-anyos na security guard ng isang paaralan matapos atakihin ng saksak ng hindi pa kilalang lalaki na nagtangkang looban ang binabantayang gusali sa Tuguegarao City, Cagayan.

Pansamantalang kinansela ang pasok kahapon sa East Central High School dahil sa nangyaring pananaksak sa kanilang guwardiya na si James Casauay na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital bunsod ng saksak sa kanyang tagiliran.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakabunot pa ng baril ang biktima at pinaputukan nito ang suspek makaraan ang pananaksak.

Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil nakitang sira ang lock ng library at canteen ng naturang eskuwelahan.

Nakatakda namang bigyan ng pagkilala ng pamunuan ng paaralan si Casauay dahil sa pagbubuwis ng kanyang buhay para maprotektahan ang binabantayang gusali.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page