top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

HOROSCOPE | DISYEMBRE 6, 2018 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 6, 2018 (Huwebes): Kung ano ang maganda, ‘yun mismo ang ipagkakaloob sa iyo ng kapalaran mo. Mangyayari ito kahit pa may ilang pangyayaring hindi mo maunawaan sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka masaya, roon ka! Huwag mong ipagpalit ngayon sa mga materyal na bagay ang iyong personal na ka­ligayahan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-24-31-35-42-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat mabu­hay sa pagpa­pantasya. Kailangan ng tao ang kumilos nang na­aayon sa gusto niyang mang­yari sa kanyang buhay. Gawin mong gabay ang mga sa­litang ito. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-21-25-34-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong matuk­so. Huwag mo itong kalilimutan nang sa gayun ay hindi ka magsi­sisi sa huli dahil ang tukso ay nakasisira ng kapala­ran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-7-11-15-23-33-35.

CANCER (June 21- July 22) - Kapag nagdududa ka sa tao, agad mo siyang layuan. Huwag mong sabihin na kaya mong labanan ang mga taong walang magandang motibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-15-23-30-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong maliitin ang mumunting su­werteng darating sa bu­hay mo dahil magsisil­bing binhi ang mga ito na ma­tutulad sa malaking puno na ang mga bunga ay wa­lang kasintamis. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-24-31-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbabanta ang mga ne­gatibong pa­na­naw na makialam sa iyong buhay. Alam mo na ba kung ano ang dapat mong gawin? Ano pa nga ba kundi ang huwag mag-isip ng kung anu-anong bagay. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-11-17-20-23-37-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Maitatala sa aklat ng iyong kapalaran na ang mga pangyayari ngayon ay magsisilbing pundasyon ng iyong napa­kagandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-brown. Tips lotto-19-28-29-33-37-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong isipin na ang mga pag­subok ay hindi mo kaka­yanin. Sa totoo lang, ma­lalagpasan mo ang mga ito sa tulong ng nasa itaas. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-18-22-25-26-35-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuku­­pas ang lahat ng bagay sa mundo. Hu­wag mong isiping ito ay negatibong katotohanan dahil nagpapayo ito na hu­wag mong sayangin ang iyong masasayang araw. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-8-19-20-24-37-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bago ka makapagsimu­lang muli, ka­ilangan mo nang tapusin ang nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-14-23-35-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabi­lis na mawa­wala sa buhay mo ang mga hindi mo na ka­ilangan. Kahit masakit ito para sa iyo, tanggapin mo ito nang bukal sa puso mo. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-7-10-14-23-38-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Inihahanda na ng langit ang mga bagay na lubos na magpapasaya sa iyong buhay. Ito ay kahit pa gulung-gulo ang isip mo at litung-lito ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-21-24-32-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page