top of page

Gustong malaman kung bakit dapat magpa-pap smear

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2018
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 31 years old at may isang anak. Sabi ng kumare ko, palagi raw siyang nagpapa-pap smear dahil ito raw ang payo ng doktor niya, lalo na raw kapag aktibo sa sex. Okay lang ba ito kahit malinis naman ang aking matris at isa lang ang partner ko, ano ba ang ginagawa sa pap smear at para saan ito? — Sandra

Sagot

Ang pap smear o pap test ay para sa kababa­ihan at ginagawa ito para malaman ang kon­disyon ng cervix (buka­na ng matris). Ang pap test ay bahagi ng pag-iingat sa kalusugan ngu­nit, hindi ito paglilinis ng matris tulad ng inaakala ng karamihan sa kababaihan.

Kumukuha ng sam­ple ng selula sa cervix o bukana ng matris gamit ang cotton swab at inilalagay sa slide upang siyasatin kung mayroong mga hindi pangkaraniwang pagba­bago sa selula ng matris sa pamamagitan ng mikroskopyo. Kung ang mga pagbabagong ito ay makikita at mako­kontrol ng mas maaga, maaaring maiwasan ang higit 90 porsiyento ng pinakapangkaraniwang kanser sa matris.

Kailan dapat mag­pa-pap smear test?

  • 2 linggo pagkata­pos ng buwanang dalaw o regla.

  • Kapag hindi naki­pag­talik ng 3-4 araw bago magpaeksamin.

  • Kapag hindi nagla­gay ng kahit anuman sa vagina tulad ng foam o gamot ng dalawang araw (48 oras).

Kailangang magpa-pap smear test ang lahat ng mga babae sa oras na sila ay nag-umpisang makipagtalik (intercourse) isang beses sa loob ng isang taon at kailangan nila itong ituloy hanggang edad 70.

Tumataas ang tsansa ng kanser sa cervix ha­bang tumatanda. Kapag higit 50 taong gulang ay kailangan pa rin ng pap test — kung nakarara­nas kayo ng pagtatalik kahit hindi kayo nakiki­pagtalik kahit nag-me­no­pause na kayo (wala nang pagdurugo mula sa buwanang pagregla).

Ayon sa OB-Gyne, puwede nang magpa-pap smear ang mga babaeng edad 21 pataas, may asawa man o wala, lalo na kung sexually active.

Nakadepende sa re­sulta ng unang pap smear kung gaano kadalas uulit sa ganitong klase ng pagpapasuring medikal ang babae.

Dapat madalas ang pap smear kung may human immunodeficiency virus (HIV) ang babae kung mahina ang immune system o pala­ging nagkakasakit, kapag gumagamit ng steroids at kapag na-diagnosed na may cervical cancer.

Gayundin, maaari raw na huwag nang magpa-pap smear ang babaeng natanggalan ng matris.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page