top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dahil sa pensiyon ng tatay | LALAKI PINAGTATAGA NI KUYA

Paul Lamsen
Dec 6, 2018
1 min read

DAHIL sa matinding selos sa pensiyon ng kanilang ama, pinagtataga ng isang lalaki ang kanyang nakababatang kapatid sa Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Amado Torio, habang suspek naman ang kuya nitong si Abraham, kapwa nasa hustong edad, may asawa.

Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima nang makasalubong nito ang utol na lasing at may dalang itak kung saan walang sabi-sabing pinagtataga ang biktima.

Nabatid na ang biktima lang umano ang nakikinabang sa pensiyon ng kanilang magulang na ikinagalit ng suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page