44 bagong foreign terrorists, nakapasok sa bansa

IBINABALA ni National Security Expert Professor Rommel Banlaoi na may panibagong banta ng terorismo sa bansa dahil sa pagpasok ng mga dayuhang terorista.
Ani Banlaoi, ang mga dayuhang terrorist fighter sa iba’t ibang panig ng mundo ay ikinonsidera ang Mindanao bilang alternatibong destinasyon.
Nakikita umano ng mga dayuhang terrorist fighter ang Mindanao na tamang lugar para ilunsad ang kanilang Jihad.
Sa impormasyon ni Banlaoi, may 44 dayuhang terorista ang kasalukuyang nasa Pilipinas.
Galing sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga terorista na karamihan ay mula sa Indonesia, Malaysia, Middle East at kamakailan ay nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga terorista na galing sa Morocco.





Comments