SINO SA ACES AT HOTSHOTS ANG MAGKAKAMPEON?

MATAPOS ang dalawang linggong pahinga, umpisa na ang mainit na labanan sa hardcourt. Sino sa Alaska Aces at Magnolia Hotshots ang tatanghaling bagong kampeon ng Governor’s Cup na bigong maipagtanggol ng Barangay Ginebra Kings? Malalaman ang kasagutan sa loob ng pitong laro o baka hindi na umabot depende sa laro ng dalawang magkatunggali na parehong uhaw at gutom sa titulo sina coach Alex Compton at Chito Victolero. Ang kanilang tagumpay ay depende sa performance ng kanilang mga manlalarong tulad nina Mike Harris at Romeo Travis na ngayon lang maghaharap sa finals sa kanilang basketball career.
Magsasagupa ang Aces at Hotshots sa Game 1 ngayon ng 7 p.m. sa Mall of Asia Arena na inaasahang durumugin ng die-hard supporters nang dalawang magkatunggali matapos dispatsahin ang kanilang semifinal rivals.
Pinatalsik ng Aces ang Meralco Bolts habang sinipa ng Hotshots ang sister team Ginebra Kings at ikasa ang best-of-7 title showdown sa unang pagkakataon kung saan masusubukan sa battle of the brain sina Compton at Victolero sa loob nang 2 oras.
Ang cage experts at matchmakers ay walang pinapanigan at ayon sa kanila it’s a toss-up dahil pareho ang lakas ng kani-kanilang imports. “We’re ready for the finals. We spent the two weeks respite sharpening to perfection our shooting and formulated effective formulas to strengthen our game offensively and defensively,” sabi ni Compton. “I told my players to play superior game and use all leverage to our advantage throughout the title series,” aniya pa na dead serious na kunin ang korona at mapasama sa “elite class of champions” na matagal na niyang pinangarap matapos magkaroon ng coaching job kay Cone na nabigyan ang Alaska ng 11 titles mula 1991 kasama ang grandslam noong 1996.
Tulad ni Compton, positibo at optimistiko si coach Victolero sa kanyang tagumpay at sinabi niya na handang-handa ang kanyang matatapang na mga manlalaro na talunin ang Mike Harris led Alaska Aces sa kanilang title confrontation. “My players are in top shape and ready to face Alaska. I reminded my players to shot with impunity and tighten the defense to prevent the enemy intruding the shaded lane,” ani Victolero.





Comments