top of page
Pokwang.jpg

Pulis binentahan ng shabu, jeepney driver tiklo

Maeng Santos
Dec 5, 2018
1 min read

DALAWA katao ang arestado kabilang ang isang jeepney driver matapos magbenta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Julius Manalili, 29, ng Bgy. 4, Caloocan City at Henry Fernandez, 32, ng Pritil, Manila.

Ayon kay PO3 Randy Billedo, alas-12:10 ng hatinggabi nang isagawa ng SDEU at PCP-4 sa pangunguna ni P/Insp. Rolando Domingo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng P. Concepcion St., Bgy. Tugatog.

Nagawang makabili sa mga suspek ng isang plastic sachet ng shabu kapalit ng P300 marked money ang isang pulis na poseur-buyer.

Pagkatapos ng transaksiyon, agad sumalakay ang mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek at narekober sa mga ito ang 12 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at buybust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page