top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pera, gamit tinangay | MAG-ASAWA TODAS SA 2 KAPITBAHAY

Jeff Tumbado
Dec 5, 2018
1 min read

KAPWA nasawi ang mag-asawa makaraan silang pagsasaksakin ng da­lawang lalaking kanilang ka­pitbahay sa Dalaguete, Cebu.

Dead-on-the-spot sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Langkas sina Servando Ramos, 57, at Ana Maria Grace, 47, sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ginagamot naman sa ospital ang 12-anyos na anak nilang babae nang ata­kehin din ito ng mga suspek.

Tinutugis na ang magti­yuhing suspek sa krimen na nakilalang sina Antonio at Alejandro Ja­bagat.

Batay sa pahayag ng anak na survivor, kumatok ang mga suspek sa kanilang bahay alas-8:00 ng gabi.

Pinapasok umano ng mga magulang ang mga suspek subalit, nakarinig na lamang siya ng sigaw.

Laking-gulat na lamang at na-shock sa kanyang na­saksihan na pinagtulungang saksakin ng magtiyuhin ang kanyang ama at ina kung saan maging siya ay inatake rin ng saksak na tumama sa kanyang pisngi.

May posibilidad umano na pagnanakaw ang motibo sa pagpatay sa mag-asawa dahil tinangay ng mga sus­pek ang sling bag ni Servando na may lamang P80,000 bu­kod pa sa ilang mamahaling ga­mit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page