Package na kinontrata ng groom at bride, kulang-kulang | WEDDING COORDINATOR, KULONG
KINASUHAN sa piskalya ang isang wedding coordinator makaraang hindi tuparin ang kontrata sa wedding package sa Pasig City.
Kinilala ang suspek na si Krissa Ian Canena, 30, residente ng Bgy. Western Bicutan, Taguig.
Ayon sa pulisya, dinakip ang suspek alas-5:00 ng hapon kamakalawa sa Pasig Revolving Tower, Bgy. San Nicolas dahil tumanggap umano ito ng pera ngunit hindi tinupad ang usapan sa kontrata hinggil sa kasalan.
Kinontrata ang suspek ng ikakasal na sina Jian-Jing at Melany Chen nitong Disyembre 3 sa halagang P130,000.
Gayunman, pagdating sa seremonya ng kasal at reception, nadiskubre ng bagong kasal na hindi tinupad ng suspek ang nakasaad sa kanilang kontrata.
Walang mga bulaklak, bridal car, souvenirs, ang pagkain ay kulang sa mga dumalo at ang menu ay hindi ang nakasaad sa kontrata.
Ayon kay SPO2 Al Alvarez, ang kontraktor sa mga kagamitan, photographer at ang emcee ng kasalan ay hindi rin binayaran ng suspek.





Comments