top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad... MISIS NA NAKATAKDANG YUMAMAN SA TULONG NG KANYANG MGA ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2018
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Matagal na kaming nangangarap ng mister ko na magkaroon ng sariling lupa at bahay dahil ngayon ay nakatira lang kami sa lumang bahay ng mga biye­nan ko at marami kami rito dahil nandito ang mga kapatid na dalaga at binata ng mister ko.

  2. Nais kong itanong kung may pag-asa pa ba kaming magkaroon ng sariling lupa at bahay kahit ngayon ay pangkaraniwang empleyado sa gobyerno ang mister ko at ako naman ay tindera sa palengke?

  3. Apat ang anak namin at lahat sila ay nag-aaral. Kaya hirap na hirap kami at hindi ko rin alam kung paano namin magagawang magkaroon ng sariling lupa at bahay, gayung kapos kami sa pang-araw-araw naming pangangailangan, gayunman, patuloy pa rin kaming nagsisikap at nangangarap na darating ang panahon na makaaahon din kami sa kahirapan.

KASAGUTAN

  1. Sa tulong ng iyong mga anak, makaaahon kayo sa kahirapan hang­gang sa umunlad nang umunlad ang inyong ka­­buhayan at maka­bi­bili kayo ng sariling bahay at lupa. Ganu’n nga ang posibleng ma­ga­nap, ito ang nais sabihin ng malinaw at makapal na guhit sa mga palad ng iyong mga anak, partikular na ang anak mong panganay (1-c arrow a.), pangatlo (3-c arrow c.) at bunso (Drawing A. at B. at 4-c arrow d.).

  2. Kung susuriing mabuti, ang tatlong na­sabing mga anak ang nagsasabing sila ang magiging daan upang makaahon kayo sa ka­hirapan hanggang sa magkaroon kayo ng sa­riling bahay at lupa sa susu­nod na mga taon. Ang tanging hindi lang gaanong mag­tatagumpay sa apat mong anak ay ang ikalawa (2-M ar­row b.) dahil hindi masyadong maka­pal o mahaba ang nasabing Guhit ng Anak (2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na, bagama’t, magtatagum­pay ang tatlo mong mga anak sa larangan ng materyal na bagay, ‘yung ikalawa ay posibleng hindi umasenso at umunlad, pero kahit papaano ay maitu­turing pa ring ma­ganda ang kanyang pa­mumuhay.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga da­tos, Carla, sa partikular na Guhit ng mga Anak (Dra­wing A. at B. 1-M arrow a., 2-M arrow b., 3-M arrow c. at 4-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad, tiyak ang magaganap, magkaka­roon kayo ng bahay at lupa sa taong 2033, sa edad mong edad mong 58 pa­taas, sa panahong may ma­ganda at matatag nang tra­baho ang iyong mga anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page