top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lasing na driver kaya ‘di mahuli | KAPOS KAMI SA BUDGET — MMDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2018
1 min read

AMINADO ang liderato ng Manila Development Authority (MMDA) na kakulangan sa budget ang problema kaya kapos ang implementasyon ng ahensiya sa paghahabol sa mga lasing na driver.

Sa halos 2,000 personnel ng MMDA na nagpapatupad ng road safety at public policy ay nasa 40 lamang ang may dalang breath analyzers.

Ito ang ginagamit para malaman kung pasok sa maximum allowable alcohol intake ang isang nakainom na driver na nasangkot sa isang aksidente.

Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, dapat ay hindi lalampas sa 0.05mg ang blood alcohol content para sa mga nagmamaneho ng pribadong sasakyan.

Zero alcohol content naman para sa mga tsuper ng motorsiklo, trak at mga public utility vehicle.

Inamin din ni Pialago na hanggang alas-10:00 lamang ng gabi ang duty ng kanilang mga traffic enforcer, samantalang, kadalasang nagaganap ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga lasing tuwing madaling-araw.

Sa tala ng MMDA, umaabot sa sampung vehicular accident kada buwan ang kinasasangkutan ng mga lasing na tsuper.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10586 or The Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, ang mga lasing na driver ay pagmumultahin ng mula P20,000 hanggang P500,000, puwede ring makulong ng higit sa tatlong buwan kapag nasangkot sa aksidente at revocation ng kanyang lisensiya sa pagmamaneho. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page