Biglang dumausdos | 3 TIGOK SA 10-WHEELER TRUCK
PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang barangay official, matapos maaksidente ang isang 10-wheeler truck sa bahagi ng national highway sa Bgy. 6, Poblacion, Salcedo, Eastern Samar.
Kinilala ang mga nasawi na si Joshua Padong at ang 53-anyos na kagawad ng barangay na si Orlando Enderio.
Nasawi naman habang isinusugod sa pagamutan ang 43-anyos na driver ng naturang truck na si Bayani Ramboy.
Nabatid kay Police Inspector Roldan Collamar, bigla umanong dumausdos ang truck na may kargang sako ng mga semento habang paakyat ito sa bahagi ng naturang kalsada.
Rito na natumbok ng truck ang mga biktima na nasa tabi ng kalsada. Labingtatlong iba pa ang nasugatan sa insidente.
Hinala ng pulisya na hindi nakontrol ng driver ang minamanehong truck dahil na rin sa sobrang bigat ng karga nito.





Comments