Bawas-singil sa kuryente ngayong Disyembre

INAASAHANG magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.
Ayon kay Spokesperson Joe Zaldarriaga, kaugnay ito sa pagmura ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM) na isa sa pinagkukuhanan ng suplay ng kuryente.
Gayunman, wala pang billing o paniningil silang natatanggap mula sa ibang suplier ng kuryente tulad ng natural gas plants.
Maaari rin umanong bumaba ang singil sa kuryente sa Enero dahil sa adjustment o pagbabago ng ‘outrage allowance’ ng mga planta.





Comments