Balangiga bells, darating na sa Dec. 11
MAIUUWI na sa bansa ang makasaysayang Balangiga bells ngayong Disyembre 11.
Ito ang inanunsiyo mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa joint meeting ng Regional Peace and Order Council, Regional Development Council at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Ormoc City.
Ani Lorenzana, isang simpleng seremonya lamang ang isasagawa sa Villamor Airbase sa Pasay City sa oras na dumating ang makasaysayang kampana.
Magkakaroon ng handover ceremony sa pagitan ng Department of National Defense, U.S. Department of Defense at U.S. Pacific Command.
Inaasahan naman itong dadalhin sa bayan ng Balangiga sa Eastern Samar sa December 15 kasabay ng pagsisimula ng unang araw ng Simbang Gabi.





Comments