Umiihi, baril nakalabit | ‘MANOY’ PUTOL
DOBLE-DAGOK ang naranasan ng isang 50-anyos na lalaki dahil bukod sa kasong kinahaharap nito sa pagdadala ng hindi lisensiyadong baril, naputulan pa ito ng kanyang ari nang aksidenteng maputukan ito sa bayan ng Masingal, Ilocos Sur.
Hindi na nagawa pang maibalik ng mga doktor ang ari nito sa operasyon na dumagdag sa pighati ng biktima na hindi na pinangalanan ng pulisya base sa kahilingan na rin ng pamilya nito. Napag-alaman kay Police Inspector Christopher Bueno, aksidente umanong nakalabit ng biktima ang baril na nakasukbit sa kanyang beywang habang umiihi noong gabi ng Sabado.
“Sa una, idine-deny niya na may bumaril pero, sa imbestigasyon, nabaril niya ang sarili niya,” ani Bueno.
Kasong illegal possession of firearm ang kinahaharap ng lalaki.





Comments