Sey ng experts... PAGTABI SA PETS, KERING MAKAPAGPATULOG!


HIRAP ka bang matulog tuwing gabi dahil wala kang katabi, sissy? Pero, knows mo bang kung wala kang katabi ay puwede mong tabihan ang iyong alagang aso sa pagtulog nang sa gayun ay mas mabilis kang antukin?
Weh, ‘di nga?
Ayon sa pag-aaral mula sa Canisius College sa New York, mas madaling nakatutulog ang kababaihan kapag katabi nila ang kanilang alagang aso. Gayundin, maaga silang nakatutulog sa gabi at maaga ring nagigising sa umaga.
Sa pag-aaral na isinagawa sa 962 kababaihan na nasa wastong gulang kung saan naka-focus ito sa comfort na kanilang nararamdaman kapag ang aso ang katabi nila sa pagtulog.
Lumabas sa pag-aaral na 69 na porsiyento ng mga kalahok ang nakatutulog nang mahimbing sa tuwing katabi nila ang kanilang alagang aso.
Ayon sa mga eksperto, nakikita ng mga aso ang kanilang amo bilang lider at sila ang tine-train bilang tagapagtanggol at hunters ng mga ito. Mayroon din umanong chemical transaction ang tao at ang mga alaga nating aso.
Sa tuwing magkakatinginan ang alagang aso at ang owner nito, ang level ng pagmamahal, neurochemical at oxytocin ay tumataas. Ang oxytocin ay kaparehong kemikal na mayroon ang mga ina kung saan nakararamdam sila ng warmth at fuzziness sa tuwing tinitingnan nila ang kanilang mga anak.
Tumataas umano ng 130% ang oxytocin levels ng mga aso kapag nakikita nila ang kanilang amo, gayundin ang owner sa tuwing nakikita nila ang kanilang alaga.
Maliban pa rito, mas komportable ang mga kalahok na katabi ang kanilang mga alagang hayop dahil sila ay secured kumpara sa kanilang mga partner.
Oh, ayan, mga sissy, hindi n’yo na kailangan ng dyowa na makakatabi sa inyong pagtulog dahil ang mga alaga nating aso ay puwede rin naman pala. Have a good sleep, mga beshy!
Okie?





Comments