Resbak sa pang-aagaw kay JM kay Barbie… SEX VIDEO NI RHIAN KAY DJ MO, BINUHAY, IKINALAT SA INSTAGRA


GRABE, sobrang below the belt na at hindi na makatarungan ang pagseselos ng ilang JuanBie fans nina JM de Guzman at Barbie Imperial kay Rhian Ramos.
Nagtambal lang sina JM at Rhian sa Kung Paano Siya Nawala movie na ipinalabas a few weeks ago, ang dami na agad nabuong kuwento na pinagpipiyestahan ngayon ng mga JuanBie fans sa Instagram, na ewan kung saan nila kinuha ang diumano’y mga impormasyong pinaniniwalaan nilang nagtaksil si JM kay Barbie.
Base sa mga nabasa naming komento sa isang IG account na may handle name na higadkatingkahoy, “pokp*k” ang tawag ng ilang fans kay Rhian at sinasabihan pang makakarma raw ang aktres sa pang-aagaw kay JM kay Barbie.
Nakakaloka na may isang commenter pa ang nagpayo kuno kay Barbie na ‘wag nang makipagbalikan kay JM kahit kulit-kulitin pa siya dahil may mga ebidensiya raw ng panloloko ng aktor sa Kapamilya actress.
Ipinagkakalat nitong nag-private gym, nag-jacuzzi at nag-hotel sina Rhian at JM nu’ng birthday ng aktor. Kesyo ginamit lang din ni JM si Barbie sa promo ng Araw Gabi seryeng pinagsamahan nila.
May isang netizen naman ang naghaka-haka na kaya mawawala nang ilang buwan si Rhian sa ‘Pinas at pupunta ng abroad ay hindi para mag-aral kundi para magtago dahil buntis daw kay JM.
Nakakalokah! Ang advance nilang mag-isip, ha?!
Pero ang tiyak na ikabubuwisit ng mga fans at mga nagmamahal kay Rhian ay ang ginawa ng kung sinumang walang magawa sa buhay na ipinost na naman sa Instagram ang sex video noon ni Rhian with DJ Mo Twister.
Matagal nang naka-move on si Rhian sa mapait at masakit na bahaging ‘yun ng kanyang buhay. Bakit kailangan na namang ibalik ng mga walang pusong netizens na ito nang dahil lang sa pagseselos nila sa Kapuso actress na pinaghihinalaan nilang may relasyon kay JM kahit wala naman silang matibay na ebidensiya?
Hay! Abangan na lang natin kung ano’ng aksiyon ang gagawin ni Rhian o ng kampo niya para matigil na ang mga kasuka-sukang pinaggagagawa sa kanya ng mga walang magawa sa buhay.





Comments