top of page
Pokwang.jpg

Pasko, para sa mga bata, pero… LEA, SHOCKED NA PASOK SA MMFF ANG MOVIE NA MAY HALIKAN SINA EDDIE AT

Nitz Miralles
Dec 4, 2018
1 min read

PAREHONH game sina Eddie Garcia at Tony Mabesa sakaling magkaroon sila ng passionate kissing scene sa MMFF entry ng Hea­ven’s Best Entertainment na Rainbow’s Sunset at ang katwiran ng dalawang mahuhusay na veteran actors, “If the role calls for it,” at “Trabaho lang.”

May kissing scene ang dalawa sa nabanggit na pelikula at gaganap silang may relasyon. ‘Yun ang isa sa mga highlights ng pelikula.

Tututukan at iiyakan ng mga moviegoers ang mang­yayari sa kanila. Touching and heartwarming din ang eksena na magka-holding hands ang dalawa.

May mga nagulat na pumayag ang MMFF sa gani­tong tema ng pelikula at pati nga si Lea Salonga, nag-comment ng… “I never thought I’d see the day that a movie like this would be made here at home. And... yay, Noel Comia Jr.!!! So happy to see your face in this!!!”

Pati ang gumanap na young Eddie at young Tony na sina Shido Roxas at Ross Pesigan, may kissing scene rin. Take one ang kissing scene nila dahil sinabihan ni Direk Joel Lamangan na para hindi na ulitin ang eksena, galingan na nila.

Kinantiyawan ni Shido si Ross na basa raw ang lips, pero masaya sila na nagawa nila nang tama ang eksena.

Biro pa ni Ross kay Shido, “It’s an honor to be Shido’s first movie kiss.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page