top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

OLATS TALAGA ANG GILAS SA IRAN

Alvin Olivar
Dec 4, 2018
1 min read

BAGAMAT kulang sa tao ang Iran, binigo naman ng kanilang team ang bansang Pilipinas kagabi, nang talunin ang host sa bisa ng 78-70 sa idinaos na Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers sa Mall of Asia Arena.

Pinalakas ni Mohammad Jamshidi ang team Iran sa kawalan ng star pair na sina Hamed Haddadi at Samad Nikkha Bahrami, nang umiskor ang mga ito ng 26 puntos at 7 assists at 4 rebounds sa parehong arena kung saan tinalo ng Iran ang Pilipinas noong 2013 FIBA Asia Championship.

Samantala sa ibang laro, umiskor si Nick Fazekas ng 41 puntos at sumunggab ng 15 rebounds nang talunin naman ng Japan ang Kazakhstan, 86-70 sa Toyoma City Gymnasium kahapon.

Sinuportahan ang naturalized player ng Japan nina Makoto Hiejima sa 14 puntos at Yudai Baba sa 11 puntos nang umibayo ang Japan sa 6-5 win loss record.

Umakyat na sa pangalawang puwesto ang Iran na ngayon ay katabla na ang Japan sa Group F matapos makuha ang pang-anim na panalo sa 10 laro. Tumabla na rin ang Japan matapos manaig kontra Kazakhstan, 86-70. Pitong koponan mula sa Asya ang papasok sa 2019 FIBA Basketball World Cup.

Bumaba naman ang Gilas Pilipinas sa pang-apat na puwesto na may 5-5 na kartada. Galing sa 92-88 talo ang Gilas kontra sa Kazakhstan noong Biyernes sa Mall of Asia Arena. Nanganganib rin ang Gilas na hindi makapasok sa 2019 FIBA Basketball World Cup dahil sa talo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page