Lalo na raw ‘yung kulay pula, sis! BABAENG SA SANDALING GUMAMIT AT MAGSUOT NG MASUSUWERTENG KULAY AY
- BULGAR

- Dec 4, 2018
- 3 min read
Dear Maestro,
Sobrang hirap ng buhay namin ngayon at hindi ko na alam kung kailan kami giginhawa. May tindahan kami, pero napakahina ng benta at ang aking asawa ay maliit lang ang kinikita mula sa pagtatraysikel at halos hindi ‘yun magkasya sa amin.
Gusto kong humingi ng tulong sa inyo kung paano kami aasenso at anu-ano ang masusuwerte naming kulay, pan-display, araw at taon para kami ay guminhawa? Ang birthday ko ay April 15, 1978 at ang mister ko naman ay April 6, 1977.
Sa pagkakaalam ko, pareho kaming may birth date na 6, sa zodiac sign na Aries. Tama ba? Masaya at hindi kami nag-aaway, pero dahil wala kaming pera, nahihirapan na kami at minsan ay malungkot pa.
Umaasa,
Maria ng Mahipon, Gapan, Nueva Ecija
Dear Maria,
Tama ka, ang pera ay isang bagay na nagpapasaya sa mag-asawa at hindi lang sa mag-asawa kundi sa buong pamilya, higit lalo sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan.
Samantala, ayon sa pagsusuri sa Numerology, tunay ngang pareho kayo ng mister mo na may birth date na 6 dahil ang birth date mong 15 ay 1+5=6 at nagkataon ding pareho kayo ng zodiac sign na Aries na nagtataglay ng planetang Mars.
At dahil ang planetang Mars ay ruling planet ng mga isinilang na mga may zodiac sign na Aries na nangangahulugang pula ang pinakamasuwerte ninyong kulay dahil pula ang kulay ng planetang Mars at puwede ring pink at maroon.
Kaya ang unang solusyon upang umunlad ang inyong kabuhayan at magkapera kayo ng marami ay palagi kayong magsuot at gumamit ng kulay pula, simula ngayon.
Puwede rin kayong magsuot ng mga bato na kulay pula o kahit na anong uri nito na ipalalamuti sa silver na singsing.
Ang ikalawang solusyon upang umunlad ay pagkain. Dahil ang birth date ninyo ay parehong 6 na ang ruling planet ay Venus, iminumungkahing masasarap na pagkain ang dapat ninyong ihalo sa inyong paninda.
Kung hindi man pagkain, puwede rin ang masasarap na tinapay at iba pang sitsirya. Basta ang key word, ang masasarap na pagkain ay ang mga produktong magpapaunlad sa inyo, gayundin ang lahat ng makukulay na produkto o kalakal na kaakit-akit sa paningin.
Dagdag pa rito, ang ikatlong solusyon upang umunlad at lalo pang sumagana ang inyong kabuhayan ay kung may bakanteng lote sa harap ng inyong bahay, magtanim kayo ng mga bulaklaking halaman.
Basta ang key word, pagandahin at gawin ninyong romantic at kaaya-ayang tingnan ang inyong bakuran at kapaligiran upang mabuhay ang inyong libido na magdadala ng pag-unlad, ligaya at kasaganahan habang kayo ay patuloy na nagsasama at nagmamahalan.
Samantala, ang ikaapat na solusyon upang kayo ay umunlad at lalo pang sumagana ang inyong pamumuhay ay kailangang may pintura ang inyong bahay, ‘yun bang kahit na maliit, kailangang malinis at magandang tingnan.
Maaliwalas na kapaligiran ang key word upang mabuhay ang inyong awra na siyang sasagap ng mas marami pang magagandang kapalaran.
Ang ikalimang solusyon, panatilihin mo ang iyong ikatlong lagda, pero simulan mo ito sa sign na dolyar (“$”) ang letrang “S”. Sa ganyang lagda, magsisimula na kayong umunlad at yumaman.
Habang ang ikaanim at panghuling solusyon upang umunlad, magkapera at lumigaya na ang inyong pamilya tulad ng kasalukuyang nangyayari, huwag kayong mag-aaway at palagi kayong magmamahalan dahil dapat ninyong tandaang si Venus ay siya ring itinuturing na Diyos ng pag-ibig at kagandahan, kaya kapag palaging puno ng pag-ibig ang pamilya at maganda ang inyong kapaligiran, kusa n‘yo nang maaakit ang magagandang kapalaran, palagi kayong susuwertehin at magiging maligaya, habambuhay.
Habang, ayon sa Decadens ng iyong Kapalaran, Maria, basta sinunod ninyo ang simpleng anim na rekomendasyong binanggit sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong 2020, sa edad mong 42 pataas, magsisimula na kayong makaahon sa kahirapan hanggang sa tuluy-tuloy nang yumaman ang inyong pamilya.




Comments