top of page

KUZMA, DEROZAN AT ALDRIDGE, BUMIDA SA LAKERS AT SPURS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2018
  • 1 min read

BIG win ang nahakot ng Los Angeles Lakers sa bisa ng tikas ni Kyle Kuzma na may natipong 23 puntos at 8 rebounds nang tapusin sa lopsided win ng team ni LeBron James ang bakbakan sa 120-96 laban sa Phoenix Suns sa NBA game sa Staples Center kahapon.

Bagamat hindi si LeBron James ang namahala sa Lakers ay tumapos ito bitbit ang 22 puntos at 6 rebounds. Nakabakas sina Brandon Ingram ng 15 puntos habang sina JaVale McGee at Mi­chael Beasley ay may tig-14 pun­tos kung saan ay naka­dagdag si McGree ng 8 rebounds.

Makaraan ang mabagal na simula sa natrangko lang na 31-21 sa pagtatapos ng opening quarter, humalibas agad ang Lakers kontra Phoenix ng 40-15 sa 2nd quarter para sa pagtarak ng 61-46. Ang pangunguna ay lumobo pa sa 21 sa final period. “I was very happy with our defensive effort again,” ayon kay head coach Luke Walton sa ESPN post-game nang gapiin ng Los Angeles ang Suns. Nagsilbing main man si Richaun Holmes para sa Phoenix na may 15 puntos. May naiambag sina Josh Jackson at Trevor Ariza ng tig-13 puntos habang si DeAndre Ayton ay rumehis­tro ng 10 points at 10 rebounds.

May 10 puntos si Mikal Bridges. Umibayo ang Lakers sa 14-9 at 5th place sa Western Conference.

Samantala, tumabo si De­Mar DeRozan ng season-high 36 points kabilang na ang 15 straight sa third quarter habang si LaMarcus Aldridge ay dumagdag ng 29 points nang kaldagin ng San Antonio Spurs ang bisitang Portland Trail Blazers, 131-118. Pinutol ng Spurs ang two-game losing streak habang natalo ang Blazers sa ika-5 sunod sa 6 na laro. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page