top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

6,000 OFWs may HIV-AIDS

Vyne Reyes
Dec 4, 2018
1 min read

PUMALO sa kabuuang 6,135 overseas Filipino workers (OFWs) ang may HIV-AIDS mula noong 1984 hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.

Ayon sa ACT-OFW Partylist, sa nasabing bilang, 86% o 5,280 ay mga lalaki.

Mayorya umano ng kaso ng mga lalaking OFW na may HIV-AIDs ay nakuha mula sa sexual contact sa kapwa lalaki na nasa 71% o 2,176 habang nasa 1,586 naman ay nakuha sa sexual contact sa lalaki at babae.

Batay sa National HIV/AIDS Registry, pumalo sa 59,135 kumpirmadong kaso ang mga Pilipinong nagpositibo sa HIV-AIDS.

Kasabay nito, iginiit ng partylist group na palakasin pa ng gobyerno ang kampanya at gamutan laban dito.

Kinalampag din nito ang POEA at OWWA na paigtingin pa ang preventive education sa HIV-AIDs sa mga OFW at sa mga pamilya ng mga ito.

Batay sa DOH, aabot lamang sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga Pilipinong may HIV-AIDS o nasa 31,458 lamang ang sumasailalim sa antiretroviral treatment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page