top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wikang banyaga,bongga i-promote, sariling wika, dedma? Kaloka!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2018
  • 2 min read

UNTIL now, mainit na mainit pa rin ang debate tungkol sa naging desisyong ng Korte Suprema na huwag nang gawing asignatura sa kolehiyo ang Filipino at Panitikan. Kesyo, sapat na raw ang pag-aaral ng Filipino sa elementarya, high schoolat maging sa senior high school kaya hindi na ito dapat isali pa sa kolehiyo. Siyempre, nagpanting ang mga tainga ng mga iskolar at tagapagtanggol ng Filipino language. Hindi nga naman dapat basta na lang ito tinatanggal, lalo pa at kahit nasa kolehiyo na ang ilan saating mga mag-aaral ay marami pa rin ang na bobo kya rito. Pasulatin mo ng Filipino, mali-mali ang grammar at marami pa rin ang walang alam tungkol sa Filipino literature.

Kung pakikinggan ang tsika ng iba nating kababayan sa kanayunan, bakit dawmasyadong mahaba ang panahon na ibinigay salengguwaheng Filipino, bakit daw hindi rin ituro sa mga mag-aaral ang ibang dialect ng bansa na makatutulong din sa kanila?Ito ay hindi para tanggalinang Filipino subject sa kanilang mga asignatura, itoay bigyan din ng pansin angiba pang dialect bilang electivesubject imbes na pagaralanang ibang wika tuladng Korean. Ang balita,bonggang ipino-promote ngilang eskuwela ang pag-aaralng ibang wika, pero dedmasa sariling wika natin.Oo nga, bakit ba hindi gawing elective ang pag-aaral ng mga local dialect tulad ngIlocano, Waray, Bisaya,Kapampangan, Chabakano at marami pang iba? Para sa atin, hindi na dapat pang pagdebatehanang tungkol sa pagtanggal sa Filipino subject sa kolehiyo. Kailangang naririyan pa ang Filipino subject. Kung talagang malakas ang panawagang tanggalin ito sa kolehiyo,siguro ang pinaka mainamgawin ay palakasin ang subjectna ito sa elementarya athigh school. Upang maisapuso at maisaisip ang Filipino grammar at Panitikan o kaya ay mabuting sa bahay pa lang, sa formative years ng ating mga anak ay itinuturo na natin ito sa kanila. Ang kaso,marami sa ating mga nanayat tatay ang gusto ay English speaking ang kanilang mgaanak. So, ano na? Talo nanaman ang Filipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page