top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PONDO NG PAGCOR SA EARLY CHILDHOOD CARE UMABOT SA P4.25 BILYON

  • PAGCOR
  • Dec 3, 2018
  • 1 min read

Umabot na sa P4.25 bilyon ang tulong pinansyal na naibigay ng PAGCOR sa Early Childhood Care and Development (ECCD) bilang suporta sa mga programang pang­bata ng ahensya.

Sakop ng ECCD ang mga programang pangkalusugan, nutrisyon, maagang edukasyon at serbisyong panlipunan na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga bata, upang itaguyod ang kanilang paglago at pag-unlad.

"Ayon sa pag-aaral, malaki ang epekto sa pag-unlad ng mga bata kapag sila ay naalagaan ng mabuti. Ang mga batang nakaranas ng maayos na pag-aalaga ay lumalaking malusog, edukado at mahusay sa pag-aaral.

Ito ang dahilan kung bakit ang PAGCOR ay sumusuporta sa mga program ng ECCD Council," ani PAGCOR Chairman & CEO Andrea D. Domingo.

Ang kontribusyon ng PAGCOR sa ECCD ay nagsimula noong 2002 sa pamamagitan ng Republic Act 8980 o Early Childhood Care and Development Act at naipagpatuloy ng R.A. 10410 o Early Years Act of 2013.

Sa pamamagitan ng pondo ng PAGCOR, nakapagpatayo ang ECCDC ng mga National Child Development Centers (NCDC) sa buong bansa.

Ang mga centers na ito ang nagbibigay daan sa libu-libong mga bata sa bansa upang magkaroon ng libreng access sa pag-aaral habang sila ay nasa kanilang formative years.

Dagdag pa ni Domingo, nakakapagbigay ng pondo sa ECCD ang PAGCOR sa pamamagitan ng maayos at striktong regulasyon sa paglaganap ng iligal na pagsusugal sa bansa.

Maliban sa ECCD, 50 porsyento ng kita ng PAGCOR ay nakalaan sa National Treasury.

Ang ahensya ay regular ding nagbibigay ng pondo sa mandated beneficiaries nito gaya ng Philippine Sports Commission, Dangerous Drugs Board, host-cities ng Casino Filipino branches, at President's Social Fund. PAGkalinga sa bata ... PAGCOR

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page