top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Paninira, pagmumura at pang-aalipusta ni P-DU30 sa Simbahan, pantakip sa kapalpakan ng administrasyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2018
  • 2 min read

RESBAK NG BISHOP KAY P-DUTERTE—Rumesbak si Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo sa mga paninira, pagmumura at pang-aalipusta ni P-Duterte sa mga Katoliko na ayon sa Obispo ay ginagawa ng pangulo ang mga banat na ito upang pagtakpan ang mga kapalpakan ng kanyang administrasyon at pagkabigo na tuparin ang pangako sa publiko noong nakaraang presidential elections. Tumpak! Halatang ang mga banat ni P-Duterte ay para pagtakpan ang isyu ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin, malalang kriminalidad, talamak na korupsiyon at puslitan ng shabu sa Bureau of Customs, boom!

◘◘◘

KUNG WALANG TRAIN LAW AT MA-BABANG PRESYO NG LANGIS, MABABA NA RIN SANA ANG PRES-YO NG MGA BILIHIN—Kahit bumaba na ang presyo ng mga produktong petrolyo, hindi pa rin bumababa ang presyo ng mga bilihin.Ang dahilan, ang TRAIN Law ni P-Duterte na nagpa-taw ng mga dagdag-tax sa mga bilihin.Kung wala sanang TRAIN Law at nagkataon na tuluy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, sobrang baba na sana ang presyo ng mga bilihin at malaking ginhawa ito sa publiko, period!

◘◘◘

MGA ‘BOBOTAN-TE’, IBOBOTO PA RIN ANG 6 TRAIN LAW SENATORS?—Sa mga survey, kapuna-puna na palaging pasok sa Top 12 ang nagsulong ng TRAIN Law sa Senado na si Sen. Sonny Angara, gayundin ang lima pang reeleksyunistang senador na lumagda at sumuporta rin sa TRAIN Law ni P-Duterte na sina Sen. Grace Poe, Sen. Cynthia Villar, Sen. Nancy Binay, Sen. JV Ejercito at Sen. “Koko” Pimentel.Mantakin n’yo, ang mga senador na ito (Angara, Poe, Villar, Binay, Ejercito at Pimentel) ang nagpapahirap sa mamamayan dahil sa isinabatas nilang TRAIN Law na isinubo sa kanila ni P-Duterte, tapos kung pagbabatayan ang mga sur-vey ay gusto pa silang ibotong muli ng mga “bobotanteng” Pinoy.Talagang wala nang pagbabago ang mga “bobotanteng” Pinoy, hu-hu-hu!

◘◘◘

BUKOD SA ‘PAIHI’, RUMAKET NA RIN DAW SA DROGA SINA ‘VIOLAGO’ AT ‘DAN BURIKI’—Hindi lang daw “oil pilferage” o “paihi” ang raket nina “Violago” at “Dan Buriki” sa Star Tollway na sakop ng Batangas kundi rumaraket na rin daw ang dalawang ito sa pagiging drug dealers.Paging PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, NBI Di-rector Dante Gierran at PDEA Director Aaron Aquino, baka puwedeng ipatokhang n’yo na ang dalawang ito kasi masyado ng bad ang kanilang pagkatao, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page