Pangatlo na ng aktres… AIKO, GAME NA GAME PAKASALAN ANG BF KAHIT 'DI PA ANNULLED


NGAYON pa lang ay sinasabi nang malaki ang tsansa nina Aiko Melendez at Sunshine Dizon na manalo ng acting award para sa pelikulang Rainbow’s Sunset (an official entry to Metro Manila Film Festival 2018 na ipapalabas sa Dec. 25) dahil sa husay ng portrayal nila bilang mga anak ng mga karakter nina Eddie Garcia at Gloria Romero.
“Ay, praise God!” sambit ni Aiko nang sabihin ito sa kanya ng mga reporters sa presscon kahapon para sa naturang pelikula. “Basta kami, kung ano lang, kung ano’ng para sa amin, ‘yun lang. Thank you and extra na lang and bonus na lang ‘yung award.”
Pero magiging magkalaban sila ni Sunshine kung sakali, ano ang feeling niya rito?
“Kung sinuman ang manalo sa amin, siyempre, masaya kami. And kung sakaling manalo ako, idededicate ko ‘yun kay Sunshine, kasi, hindi rin naman kami magiging ganu’n ka-effective kung hindi rin kami nagbigayan ni Sunshine.
So, I will offer the award to her and hindi kawalan sa akin na matalo ako ni Sunshine kasi magaling din naman siya sa pelikulang ito,” ani Aiko.
Sa kanyang personal na buhay naman, aminado ang aktres na masayang-masaya siya sa piling ng boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun. Tanggap daw ito ng kanyang dalawang anak at walang problema sa kanyang side. “Ang lagi lang naman naming nagiging problema is ‘yung outer force, ‘di ba? ‘Yung mga outside forces.
So, ngayon, medyo tumahimik naman na, okay lahat. We’re blessed na naging maayos ‘yung relationship namin sa lahat.”
Inamin niyang sa parte ng BF ang naging problema pero hindi raw sa pamilya nito dahil close na close siya sa magulang at mga kapatid ni Mayor Jay.
Ano ang naging feeling niya na ipinaglaban siya ng boyfriend nang time na nagkakaroon ng problema? “Sobrang ang haba ng hair ko, Ate Vins, ‘di ba? Dahil talagang alam ko na mahal ako.
Hindi lang mahal ako dahil nagkasubuan, mahal talaga ako dahil ipinaglaban ako sa mga tao.
“Alam din naman niya kasi ang truth, ‘diba? And they always say nga na ‘Truth willalways prevail’ and ‘Love wins.’ So, ‘yun,doon ko talaga napatunayan,” she said.Ini-reveal din ni Aiko na napag-uusapanna nila ang kasal.
“Oo, in passing, we talk about it, wejust couldn’t give the final date, kasi maramipa kaming inaayos din.”
Kung sakali, ito ang pangatlong beses naikakasal si Aiko. Matatandaang una siyangikinasal kay Jomari Yllana noong taong 1998at na-annul noong 2004. Nagpakasal siyangmuli kay Martin Jickain noong 2006 at napawalang-bisa naman noong 2010.
Pero sa ngayon ay hindi pa raw annulled si Mayor Jay sa una nitong asawa and hopefullyay maayos na rin daw ito. Hindi pa ngarin daw ito nagpo-propose, kaya siniguradorin niyang walang kasalang magaganap before the elections.
Sa ikatlong pagkakataon, hindi pa masabini Aiko kung ano ang magiging konsepto atpag-iisipan pa raw niya dahil gusto niyangmaiba naman sa dalawang naunang kasal niya.Samantala, ang Rainbow’s Sunset aymula sa Heaven’s Best Entertainment Productions.
Bida rito sina Eddie Garcia at TonyMabesa at kasama rin sa movie sina GloriaRomero, Tirso Cruz III, Max Collins atmarami pang iba.Showing ito sa Dec. 25 at isa sa 8official entries sa MMFF.





Comments