HOROSCOPE | DISYEMBRE 3, 2018 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 3, 2018 (Lunes):Hawak mo ang iyong kapalaran, huwag mong sayangin ang prebilehiyong ito na kaloob sa iyo. Gamitin mo ito para sa iyong mga ambisyon sa buhay.
ARIES (Mar.21-Apr. 19) - Tama ka! Malayo sa iyo ang mga pangkaraniwang nilalang, pero kung ito man ay totoo,mas mabuting makisama ka sa kanila nang sa gayun ay sumaya ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bantanyan mo ngayon ang mga taong may hindi magandang motibo. Marami silang nagdaratingan sa buhay mo kaya muli, bantayan mo sila at ang isa pang payo, mag-ingat ka! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-18-21-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwagkang maniwala sa mga sabi-sabi. May kakayahan kang malaman kung ano ang totoo. Gamit ang iyong talino, puwede mong matuklasan ang mga taong naglilihim sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-19-25-34-41.
CANCER (June 21- July 22) - Matiyagang nag-aabangng tamang pagkakataon ang mga nais gumawa ng mali. Pero, kung palagi kang alisto, masasayang lang ang oras nila sa kahihintay sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerten gkulay-blue. Tips sa lotto-24-25-30-33-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kunggusto mo pang madagdagan ang mga biyayang iyong tinatamasa, ibahagi mo sa iba ang mga bagay na hindi mo na gusto at kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-25-39-40-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan, ang umaayaw ay hindi naman talaga duwag. Sa totoo lang, gustung-gusto nila itong gawin, kaya lang, wala sila sa pat na lakas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-17-24-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - -Ilalapit muli sa iyo ng kapalaran ang taong puwedeng magbigay sa iyo ng masarap na buhay. Muli mo ba itong tatanggihan? Ito ang dapat mong pag-aralan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-21-25-27-34-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong dededmahin ang nagpapapansin. Ito ay para hindi na maulit ang tampuhan ninyo na umabot ng matagal na panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay red. Tips sa lotto-22-28-30-31-38-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na mas malalaking suwerte ang nag-aabang na dumapo sa landas ng iyong buhay na tinatahak. Masuwerteng kulay-brown.Tips sa lotto-19-21-23-33-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugulat ang iyong kapalaran sa mga araw na ito na nagsasabing mangyayari ang pag-angat ng buhay mo kung saan mas darami pa ang makakikilala sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-23-26-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mo na maaakit ang taong mailap at galit, pero matutuklasan mong siya pala ay maamo at punumpuno ng wagas na pagmamahal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-25-38-41-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang sinumang magtatangkang pabagsakin ka ay mabibigo at makararanas ng mahirap na buhay. Ito ang menshae ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-29-30-38.




Comments