CHAIRMAN’S CUP

SA darating na Disyembre 16 magaganap ang dalawang pakarera ang 2018 PHILRACOM “Chairman’s”Cup at 3rd. Leg 3 Year Old Open Challenge Series” sa Saddle and Clubs Leisure Park, sa Naic Cavite. Ang Chairman’s Cup ay paglalabanan ng 3 year old locally born at may nakalaang papremyo na P2-M na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line sa distansiyang 2,000 meters. Tatanggap ng halagang P1.2 milyon ang tatanghaling kampeon, pagkakalooban ng P450,000. ang 2ndplace, P250,000 sa 3rd. place at P100,000 sa 4th place.
Tatanggap ng halagang P70,000 ang Breeder ng mananalong kabayo.
May nakalaang papremyo na P1.5 milyon para saunang apat na makatatawid sa finish line sa 3rd Leg 3Year Old Open Challenge Series.
Ang mga kalahok na papayagan sa karerang nabanggit ay iyong hindi pa tumatakbo sa Philracom Stakes Races, hindi nakasali sa anumang PCSO StakesRaces, mga hindi pa tumatakbo ng karera sa aboard. X x X x XSa kabilang dako, nagpakita ng galing ang kabayongWooLooMooLoo na natunghayan noong Sabado sa Metro Turf, Tanauan Batangas.
Ang kabayong WooLooMooLoo ay mula sa Australiana nabili ni B.U Tecson at sa ilalim ng pagsasanayni Ruben Tupaz.
Sa mga bagong mananakbo ang WooLooMooLoo, ang isa sa mga aabangan ng bayang karerista sa pagpasok ng 2019. Samantala, apat na dehado ang nanalo noong Sabado ito ay ang Here and Beyond, Clear Talk, Sikat atMighty Miggy na nagpaganda ng dibidendo.





Comments