TAEKWONDO JINS NG ‘PINAS, HUHUGUTAN NG LAKAS SA 30TH EDITION NG SEA GAMES
- Clyde Mariano
- Dec 2, 2018
- 2 min read

BILANG positive thinker at naniniwala sa kakayanan ng Pinoy na kayang bumangon sa gitna nang kagipitan matamo lamang ang minimithing tagumpay sa palakasan, sinabi ni Chief of Mission Monsour del Rosario na ang kanyang medalyang ginto na nakuha sa dalawang nagdaang torneo na ginawa sa Singapore at Malaysia ay hindi umabot sa 30 golds sa kabila ng maraming atletang ipinadala.
May 10,000 atleta ang galing sa 11 mga bansa ang magpapaligsahan sa 56 sports kasama ang medal rich athletics at swimming sa state-of-the-art New Clark City Sports Complex sa 200 hectares dating US Air Force Base.
Ang countdown ay dinaluhan ng Chief of Missions sa 11 bansa kasapi sa Southeast Asia kasama si Del Rosario at pinangunahan ni Southeast Asian Games Organizing Committee chairman Alan Peter Cayetano kung saan naging mahalagang panauhin sina Southeast Executive Secretary Salvador Medialdea, Philippine Olympic Committee president Ricky Vargas, Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, at different heads ng National Sports Association kasama si athletics head at dating PSC chief Philip E. Juico at mga athletes.
Sina Cayetano, Vargas, Medialdea, at Ramirez ay nagbigay ng maigsing pananalita at pinuri ang mga taong may mahalagang papel na ginampanan sa 2019 SEA Games. Ito ang pang-apat na beses na ginawa sa ‘Pinas at ang tatlo ay ginawa noong 1981, 1991 at 2005 kung saan nakuha ng ‘Pinas ang overall with 113 golds.
“Our battle-tested combatants have sufficient training and exposures under Korean coach. Few days ago, our fighters won two silvers and four bronzes in the World Taekwondo Poomsae held in Chinese Taipei. I am counting on them and will deliver medals like they did in many overseas competitions,” sabi ni Del Rosario sa reporter na ito. “Gagawin ko ‘yan sa susunod na taon. Bilang Chief of Mission, tungkulin kong i-monitor ang paghahanda ng mga atleta bukod sa pangangailangang medical at nutrition,” pahayag ni Del Rosario. Ito ang pangalawang beses na gaganap si Del Rosario bilang delegation head na una sa nakalipas na Asian Indoor Games at Martial Arts na ginawa sa Ashgabat, Turkmenistan.





Comments