Supplier ng droga ng mga driver, huli
Levi Gonzales
Dec 2, 2018
1 min read
NATIMBOG ang isa umanong supplier ng shabu sa mga driver, porter at estudyante matapos ang buy-bust operation sa Batangas.
Alas-10:25 ng umaga nang makipagtransaksiyon sa suspek na si Jimmy Solomon ang isang confidential asset para sa isang pakete ng shabu. Kumagat umano ito sa buyer hanggang sa dakpin ng mga awtoridad. Nakuha pa sa kanya ang ilang sachets ng pinaniniwalaang iligal na droga habang sinampahan siya ng paglabag sa naturang kaso.





Comments