top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa panahon ngayon, ang taong tumutulong, kinakasuhan ng kidnapping at human trafficking, ngek!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2018
  • 2 min read

P-DUTERTE, INSECURE KAY ANDRES BONIFACIO?—Inisnab ni P-Duterte ang selebrasyon ng Bonifacio Day sa Caloocan City.

Siguro kaya hindi sinipot ni P-Duterte ang selebrasyong ito ay dahil insecure siya kay Andres Bonifacio kasi ito ay namuno at inialay ang buhay sa pakikidigma sa mga mapanakop na dayuhan, samantalang, siya (P-Duterte) ay “nganga” at halos ipamigay na sa mapanakop na China ang West Philippine Sea (WPS), boom!

◘◘◘

MAS LALONG DUMAMI ANG ADIK NGAYONG PANAHON NI P-DUTERTE—Shocking ang ibinulgar ni Dangerous Drug Board (DDB) Chairman Catalino Cuy na umabot na raw sa mahigit 5 milyong mga Pinoy ang durugista sa bansa.

Mantakin n’yo, libu-libo na ang napapatay sa drug war ni P-Duterte at imbes mabawasan ang bilang ng mga adik, lalo pang dumami kasi noong panahon ng Aquino gov’t. ay nasa 2 hanggang 3 milyon lang ang durugista, ngayon sa panahon ni P-Duterte ay higit 5 milyon na pala ang adik.

Patunay ‘yan na sablay ang taktikang “kill...kill...kill” ni P-Duterte sa mga maralitang adik at pusher ng shabu, period!

◘◘◘

KUMALINGA LANG SA MGA BATANG KATUTUBO, KINASUHAN NA NG KID­NAPPING AT HUMAN TRAFFICKING —Ipinasara ng Duterte gov’t. ang isang Lumad school sa Talaingod, Davao del Norte at dahil dito ay nagpasya sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, ACT Rep. France Castro at mga kasapi ng National Solidarity Mission (NSM) na i-rescue at alisin sa lugar na ito ang mga mag-aaral dahil napakadelikado sa kanila na maiwan sa labas ng paaralan, lalo na at nasa liblib itong lugar, pero ang masaklap, hinuli sila ng mga pulis at militar at sinampahan ng kasong kidnapping at human trafficking.

Hay naku, sa panahon ngayon, napakahirap na palang tumulong o kumalinga sa mga batang katutubo kasi kapag nakainitan ka ng Duterte gov’t., patung-patong na kaso ang kahaharapin mo, susmaryosep!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page