Pumalag sa warrant | MISTER UTAS SA PARAK
SA halip na sumuko, pinili umano ng isang wanted sa kasong murder at carnapping na makipagbarilan sa mga pulis sanhi para siya mapatay sa Antipolo City.
Kinilala ni Supt. Villaflor Bannawagan, ang suspek na si Eduardo Canlas. Isisilbi sana ang warrant of arrest laban sa suspek sa Sitio Langhaya, Bgy, Dela Paz, alas-2:00 ng hapon ngunit, pinaputukan umano nito ang mga pulis. Dahil dito, gumanti ang mga awtoridad na ikinasawi ng suspek.
Hinuli rin ang kinakasama ni Canlas na si Juvy Jumalon dahil sa obstruction of justice at paglabag sa RA 9165.





Comments