Opisyal ng KMU niratrat
PATAY ang isang opisyal ng Kilusang Mayo Uno (KMU) matapos tambangan ng hindi pa tukoy na suspek sa Santiago City, Agusan del Norte.
Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktimang si Linos Cubol, secretary-general ng KMU.
Sinundan umano ng suspek na pumasok sa isang furniture shop ang biktima at doon malapitang pinagbabaril.
Nadala pa si Cubol sa ospital pero, idineklara itong patay dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.
Iginiit naman ng misis ng biktima na wala silang alam na kaaway o banta sa buhay ng kanyang asawa.
Kamakailan lamang nang nagpa-blotter ang biktima laban sa lima katao na pinaratangan niya ng pagnanakaw sa isang minahan sa kanilang lugar.





Comments