Navy officer tinodas
Vyne Reyes
Dec 2, 2018
1 min read
BULAGTA matapos pagbabarilin ang isang aktibong opisyal ng Philippine Navy sa Bgy. Binodegahan, Pio Duran, Albay.
Naglalakad sa gilid ng kalsada si Senior Chief Petty Officer Jesus Jacinto Saavedra, 55, nakatalaga sa Naval Forces Southern Luzon, nang puntiryahin ng hindi pa nakilalang mga suspek.
Nasugatan naman ang bystander na si Dennis Cantor nang tamaan ng ligaw na bala ng baril.
Pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army ang bumaril sa biktima.





Comments